9 Jan 2012

Part 2: Pag-aaral sa Canada (College)

Requirements for BS Course/Program:
  • Math 12
  • English 12
  • Physics 11
Ito po ay mga common requirements kung gusto mong mag aral sa College or University.
  • Paano kung wala ako nito? 
    • May 3 choices akong naisip noon. 
      1. Ipa evaluate ang mga documents
      2. Mag-aral ulit sa mga subject na ito
      3. Mag challenge exam sa mga subjects na ito
Kapag ready na ang requirements time to enroll na and pay the tuition in "FULL".
  • Yup! Kailangan mo munang bayaran tuition mo bago ka ma register sa Course/Program
    • Paano kung wala akong pera pang bayad?
      • Kung dito ka sa British Columbia merong Student Financial Services for short STUDENT LOAN. Student Aid BC 
    • Magkano naman ibibigay na loan?
      • Dipindi kung magkano ang kailangan mo at status mo dito sa Canada.
      • Malaki sweldo sa work = pwedeng approved but kunti lang binigay na loan OR DENIED!
      • Walang trabaho or maliit sweldo = Approved at malaki yung e bibigay na loan
      • Babala: Noong nag apply ako nang student loan sinabi ko na wala akong income sa pinas, wala akong savings, at wala akong trabaho.  Na deny ako kasi akala nila na nagsisinungaling ako but nag apply ako nang petition at with supporting papers na totoo talaga na wala akong trabaho at savings sa pinas kaya at the end na approved yung student loan ko.
    • Kailan ako mag babayad sa student loan ko?
      • After 6 months na di ka na nag aaral mag uumpisa kanang magbayad.
    • Magkano naman babayaran ko per month?
      • Dipindi kung mag kano ang kaya mong bayaran.
Sa mga kabayan natin na dito sa Vancouver BC gustong mag settle ito ang mga listahan nang mga Colleges at Universities:

8 Jan 2012

Part 1:Pag-aaral sa Canada (Elementary at High School)

Ngayon ko lang po na notice na wala po pala akong information about continuing studies dito sa Canada so ito na po.

Elementary and High school (hanggang grade 12 or 4th yr HS + 2 yrs)

"PUBLIC SCHOOL"

  • Libre at walang bayad (kasama na ang books)
  • locker lang ang babayaran ($10+)
"Catholic School"
  • hindi ako sure kung may bayad :))
  • pero sigurado ako na may community service ang mga parents

What to expect:

  • Class hours 9am-3pm (sana ganyan class ko noon sa pinas)
  • May handouts (wala ng kokopyahin sa board lahat nasa handouts na = tamad)
  • Kompleto sa gamit (ready na lahat kapag may activity at wala nang mag aasign kung sino mag dadala nang gamit or ingredients)
Dito mas maganda ang public school compare sa private school (in my own opinion)

Sorry for the very late update sa Blog

Belated Merry Christmas and belated Happy New Year!

Its been a while since I last updated my blog. Pasensya na po if matagal-tagal akong di naka pag update sa blog, sobrang busy ko po talaga sa new work ko.

Salamat po sa lahat na nag view sa blog, di ko po inakala na marami na pong mga bisita na pumupunta sa blog kung ito. Salamat po!