18 Oct 2011

Part 7: Saan makakabili ng murang gamit or damit

Mga lugar na mura lang bilhan nng mga gamit ay:
  • Craigslist
  • Jysk - Furniture
  • Dollarstore - mga gamit na kailangan sa bahay
  • Value Village - kung magaling kang mamili may mga bagong damit na ma pipili mo
  • Walmart - Dipindi kung may sale

Part 6: Job Hunt

Ang paghahanap nang trabaho dito sa Canada ay para ring sa Pinas na kung may kilala ka sa loob may malaking chance na ma hire ka.  For short mas maraming kilala mas malaking chance na madaling makahanap nang trabaho.  Ang taong mapili sa trabaho dito sa Canada ay walang kinabukasan at gutom ang aabutin nang pamilya lalo na kung kakarating ninyo pa lang sa Canada.  Kahit anong katayu-an mo sa buhay sa pinas pag dating mo dito ay pantay pantay lahat.  Kung naka upo ka lang sa 8 hrs shift mo sa Pinas dito naka tayo for 8 hrs.

Ang taong di ma pili sa trabaho pag dating dito ay siguradong makakahanap agad ng trabaho.  Sabi nga nila survival job basta may pang bayad lang sa rent sa apartment at pang bili nang pagkain.  Ang mga common jobs na madaling pasukan pag New Immigrant ka ay:
  1. Fastfood - Yes! Ito ang pinaka madaling pasukan na trabaho pag dating dito lalo na kung opening na shift kasi kunti lang nag aapply na opening compare to closing.  Kasi kapag closing maraming student na nag aapply pag closing.  Fastfood ang unang trabaho ko sa Canada at almost  3 Yrs din ako nag trabaho sa fastfood habang nag-aaral sa college.
  2. Cleaning - Ito ang karamihan na trabaho sa mga Pinoy na bagong dating.  Ang tatay ko ito ang unang trabaho niya pag dating dito.
  3. Factory worker - kung marami kang kilala na pwedeng maka tulong sayo pag pasok.
  4. Grocery - Ito ang gusto kung pasokan na trabaho dati pag dating dito kaso di pinalad. 
May mga tao namang pinalad na pag dating dito ay na hire sila sa isang magandang company dahil sa experience nila or kunti lang ang mga taong nag aapply sa trabaho.  Hindi lahat ng trabaho ay nasa Online Job Site, karamihan ay sa pamamagitan nang networking or sa mga kilala mong kaibigan or bagong kaibigan.

Part 5: Utilities

Pagka tapos makuha ang SIN number mo ang susunod ay:
  1. Telephone line - importante ito para ma tawagan ka nang employer mo for interview.
  2. Internet - para maka contact sa mga minamahal mo sa Pinas at makapag hanap nang job opening online.
    • Anong magandang provider ng internet? - SHAW! mabilis at walang problema sa internet connection.
    • Anong plan ang kukunin ko? - Kung chat at streaming lang ayus na ang Highspeed. Kung mahilig kang mag DL ng mga movies Extreme or Broadband.
    • Tanongin mo ang sales person if may promo sila for NEW IMMIGRANT.
  3. Printer (optional ) - para makapag print ka nang resume.
    • Bakit may Optional? - Pwede ka kasing pumunta sa  mga community services like SUCCESS.  Pero limited lang ang number of pages na pwede mong e-print.
  4. Divers License ( di ako alam bakit sinama ko to dito ) - kung gusto mong maka pag-drive or gusto mong bumili ng sasakyan kaagad.  Advantage din ang may drivers license lalo na kapag Class 5 kasi may ibang trabaho na kailangan may drivers license.
    • Saan ako pwede mag pa upgrade sa license ko? - sa ICBC kung ikaw ay nasa British Columbia.
      • Huwag mong kalimutan ang Certificate galing sa LTO sa Pinas at ang drivers license mo sa Pinas. 
  5. Cell phone (optional) - Ito ay optional lamang lalo na kung kakarating mo pa lang sa Canada.
    • Meron bang prepaid? - Yes! Merong prepaid, they will charge you per second sa call and per txt. 
    • Ano bang magandang prepaid provider? - FIDO
    • Ano bang magandang cell provider? - Dipindi kung anong plan ang hinahanap mo. Ang provider ko ay Bell kasi may maganda silang plan at magandang choices sa phone.

    Part 4: Paper works na dapat gawin pag dating sa Canada

    Mga dapat gawin pag dating sa Canada.
    1. Kumuha ng Social Insurance Number - Di ka makakapag trabaho kapag wala kang Social Insurance Number (SIN)
    2. Open a bank account - ang pinaka magandang bank for new immigrant is Coast Capital Savings 
      • Bakit? - walang maintaining balance, $5 lang may account kana, walang fees everytime na gagamitin mo yung card, and may chequing and savings account na kasama sa pag open mo.
    3. Submit yung Health Card Form - ang processing nito ay 2 - 3 months.
      • In case may magkasakit at wala pa yung health card? - In our experience pag dating namin kumuha kami nang temporary health insurance within sa 3 months na wala pa yung card namin.
        • Require ba talagang kumuha ng temporary health insurance? - its up to you na kung sa tingin mo ay walang magkakasakit within those 3 months.
    4. Submit Child tax benefit - Importante ito para may pera kayong matatanggap para sa mga anak niyo na under 18.  Parang child support or child allowance from the government.
    5. Submit PST / GST - ito ay para may matatanggap kayong pera from the government para sa tax refund quarterly.
    6. E-register ang inyong mga anak sa school
      • May bayad ba? - Public school wala, Private school meron, Catholic school di ako sure pero wala yata BUT may community service.
      • Ano ang ESL? - ang ESL ay para sa mga taong di marunong mag salita nang english. Basic english ang tinuturo dito. Para sa akin kung sa tingin ninyo ang anak ninyo ay marunong mag salita ng enlgish at nakaka-intindi then no need para e pasok sila sa ESL.
    7. Kumuha nang BCID (optional) - kung di mo gustong dadalhin mo parati ang iyong passport incase of identification kailangan ito.

    Part 3: Saang lugar magandang tumira pag dating sa Vancouver

    Planohin nang mabuti kung saan ninyo gustong tumira pag dating sa Vancouver.


    1. Vancouver
      • Zone 1
      • Malapit sa Burnaby, Downtown Vancouver, Stanley Park, Vancouver convention Center, Rogers Arena (kung saan ang hockey nilalaro), at ang BC Place (kung saan ang soccer at american football nilalaro).
      • With in the Zone na mga Universities and Colleges, like UBC, Langara College, VCC, and BCIT
    2. Burnaby
      • Zone 2
      • In between sa Vancouver and Surrey
      • Para sa akin ang ideal place na tumira kasi accessible siya sa both city
      • Malapit sa Metro Town Mall, ang pinaka malaking mall sa British Columbia
      • With in the Zone na mga Universities and Colleges, like SFU, Douglas College and BCIT
    3. Richmond
      • Zone 1 
      • Malapit sa Vancouver
      • Malayo sa Burnaby and Surrey
      • Maraming warehouse at factory, Malapit sa Vancouver International Airport, at may 3 mall
      • Di ako sure kung may Filipino store since mostly ang nakatira sa Richmond ay mga intsik.
    4. Surrey
      • Zone 3
      • Malapit sa Burnaby
      • Malayo sa Vancouver and Richmond
      • Maraming warehouse at factory sa surrey, Malapit sa US border papuntang Seattle (mga 30 mins), at may dalawang Mall
      • Para sa akin mura ang mga bahay at apartment sa Surrey pero mahirap ang transportation lalo na pag gabi.
    Sana maka tulong ito sa pag plano niyo kung saan titira pag dating sa Vancouver.  Di ko na nilagay lahat nang mga city kasi di ako familiar sa ibang lugar.

    Part 2: Average living cost sa Vancouver

    Note: Ang average monthly cost na ito ay base sa Vancouver

    Mahirap pumunta sa isang lugar na di mo alam ang average living cost.  Iniisip natin na sapat na kaya ang pera na dadalhin papuntang Canada?  Gaano kamahal ang rent sa apartment? 

    1. Sapat na kaya ang pera na dadalhin sa Canada? - Ang average living cost ay dipindi kung saang lugar ka titira pagdating sa Canada.  Ang mga price na ito ay base sa Vancouver area.
      • Vancouver and Burnaby average apartment - Mas malapit sa mga mall or train station mas mahal
        • basement $800-$900
        • 2 bedrooms $1000-$1200
        • 3 bedrooms and up = mahirap mag hanap
      • Surrey average apartment - mas mura ang mga apartment sa surrey kasi malayo siya sa downtown or sa burnaby.  Madali ang bus sa umaga but after 8 PM nang gabi 1 hour interval.  So pag di mo na na-abutan ang bus ay mag-aantay ka sa bus station nang 1 hour.
    2. Pamasahi sa public transit - dipindi kung gaano ka madalas bumabyahe sa isang linggo.
    3. Pagkain or grocery - Ang mga pagkain or grocery dito ay medyo may kamahalan compare diyan sa Pinas.  But once may trabaho kana dito 1 hour rate sa trabaho mo kahit minimum wage pwede kanang bumili ng pagkain.
      • May mga Filipino products ba na mabibili diyan sa Vancouver? - Yes meron!  Maraming mga Filipino store dito sa Vancouver, Burnaby, and Surrey.
      • May mga Filipino restaurant ba diyan? - Yes meron! 
        • Pin-pin - Fraser street, Vancouver.  Isa sa paborito kung Filipino restaurant sa Vancouver
        • Goto king, Kambingan sa joyce, at Cucina Manila - Joyce station, Vancouver
        • Cucina manila - Surrey central station, Surrey
    4. BC Hydro - Ang average na monthly payment is between $12-$25 a month
    Kahit saang lugar mo gustong tumira dito sa Vancouver siguradong may Filipino store na malapit.  Sana ito ay makakatulong sa mga kababayan nating malapit nang mag migrate sa Canada.

    Part 1: Important papers na dapat dalhin

    Maliban sa mga importanting papel katulad ng birth certificate, marriage contract, bank certificate, diploma, school grades, at iba pang mga certificate, may mga iba pang documents na dapat dalhin katulad ng:

    1. Certificate galing LTO - YES! kailangan mo nang certificate sa LTO na nagsasabi na ikaw ay nagda-drive na ng number of years at wala kang accident records or reckless driving.
      • Bakit kailangan ito? - Kung gusto mo magkaroon nang drivers license at di na kailangan bumalik sa "L" which means "Learners" then kailangan mong kumuha nito.  In my experience ang drivers license ko sa pinas which was pro, pag dating dito sa canada naging Class 5 pero before maging class 5 may written test and then road test.
      • More info http://icbc.com/home if your destination is British Columbia.
    2. Car Insurance sa Pinas - YES! Kailangan ang car insurance ninyo sa pinas para may discount kayo sa insurance na kukunin ninyo dito pag may sasakyan na kayo.
      • Kailangan ba talaga? - The longer ang Car A na walang accident from 1st day of purchase to present mas malaki ang discount sa insurance.  In our Experience 4 years lang na car insurance  papers ang nadala namin so kunti lang ang discount.
    3. Work related Documents - katulad ng mga training certificate.
      • Magagamit ko ba ang natapos ko diyan sa Canada? - dipindi kung ano ang natapos mo but most of the time kailangan mag upgrade or mag aral ulit.
    4. Diploma, Certificate, Or School grades - Kailangan din ito kung gusto mong mag upgrade or mag aral ulit. 
    5. Documents na dapat ibigay sa immigration officer pag dating sa Canada.