18 Oct 2011

Part 4: Paper works na dapat gawin pag dating sa Canada

Mga dapat gawin pag dating sa Canada.
  1. Kumuha ng Social Insurance Number - Di ka makakapag trabaho kapag wala kang Social Insurance Number (SIN)
  2. Open a bank account - ang pinaka magandang bank for new immigrant is Coast Capital Savings 
    • Bakit? - walang maintaining balance, $5 lang may account kana, walang fees everytime na gagamitin mo yung card, and may chequing and savings account na kasama sa pag open mo.
  3. Submit yung Health Card Form - ang processing nito ay 2 - 3 months.
    • In case may magkasakit at wala pa yung health card? - In our experience pag dating namin kumuha kami nang temporary health insurance within sa 3 months na wala pa yung card namin.
      • Require ba talagang kumuha ng temporary health insurance? - its up to you na kung sa tingin mo ay walang magkakasakit within those 3 months.
  4. Submit Child tax benefit - Importante ito para may pera kayong matatanggap para sa mga anak niyo na under 18.  Parang child support or child allowance from the government.
  5. Submit PST / GST - ito ay para may matatanggap kayong pera from the government para sa tax refund quarterly.
  6. E-register ang inyong mga anak sa school
    • May bayad ba? - Public school wala, Private school meron, Catholic school di ako sure pero wala yata BUT may community service.
    • Ano ang ESL? - ang ESL ay para sa mga taong di marunong mag salita nang english. Basic english ang tinuturo dito. Para sa akin kung sa tingin ninyo ang anak ninyo ay marunong mag salita ng enlgish at nakaka-intindi then no need para e pasok sila sa ESL.
  7. Kumuha nang BCID (optional) - kung di mo gustong dadalhin mo parati ang iyong passport incase of identification kailangan ito.

No comments:

Post a Comment