18 Oct 2011

Part 2: Average living cost sa Vancouver

Note: Ang average monthly cost na ito ay base sa Vancouver

Mahirap pumunta sa isang lugar na di mo alam ang average living cost.  Iniisip natin na sapat na kaya ang pera na dadalhin papuntang Canada?  Gaano kamahal ang rent sa apartment? 

  1. Sapat na kaya ang pera na dadalhin sa Canada? - Ang average living cost ay dipindi kung saang lugar ka titira pagdating sa Canada.  Ang mga price na ito ay base sa Vancouver area.
    • Vancouver and Burnaby average apartment - Mas malapit sa mga mall or train station mas mahal
      • basement $800-$900
      • 2 bedrooms $1000-$1200
      • 3 bedrooms and up = mahirap mag hanap
    • Surrey average apartment - mas mura ang mga apartment sa surrey kasi malayo siya sa downtown or sa burnaby.  Madali ang bus sa umaga but after 8 PM nang gabi 1 hour interval.  So pag di mo na na-abutan ang bus ay mag-aantay ka sa bus station nang 1 hour.
  2. Pamasahi sa public transit - dipindi kung gaano ka madalas bumabyahe sa isang linggo.
  3. Pagkain or grocery - Ang mga pagkain or grocery dito ay medyo may kamahalan compare diyan sa Pinas.  But once may trabaho kana dito 1 hour rate sa trabaho mo kahit minimum wage pwede kanang bumili ng pagkain.
    • May mga Filipino products ba na mabibili diyan sa Vancouver? - Yes meron!  Maraming mga Filipino store dito sa Vancouver, Burnaby, and Surrey.
    • May mga Filipino restaurant ba diyan? - Yes meron! 
      • Pin-pin - Fraser street, Vancouver.  Isa sa paborito kung Filipino restaurant sa Vancouver
      • Goto king, Kambingan sa joyce, at Cucina Manila - Joyce station, Vancouver
      • Cucina manila - Surrey central station, Surrey
  4. BC Hydro - Ang average na monthly payment is between $12-$25 a month
Kahit saang lugar mo gustong tumira dito sa Vancouver siguradong may Filipino store na malapit.  Sana ito ay makakatulong sa mga kababayan nating malapit nang mag migrate sa Canada.

No comments:

Post a Comment