Ang taong di ma pili sa trabaho pag dating dito ay siguradong makakahanap agad ng trabaho. Sabi nga nila survival job basta may pang bayad lang sa rent sa apartment at pang bili nang pagkain. Ang mga common jobs na madaling pasukan pag New Immigrant ka ay:
- Fastfood - Yes! Ito ang pinaka madaling pasukan na trabaho pag dating dito lalo na kung opening na shift kasi kunti lang nag aapply na opening compare to closing. Kasi kapag closing maraming student na nag aapply pag closing. Fastfood ang unang trabaho ko sa Canada at almost 3 Yrs din ako nag trabaho sa fastfood habang nag-aaral sa college.
- Cleaning - Ito ang karamihan na trabaho sa mga Pinoy na bagong dating. Ang tatay ko ito ang unang trabaho niya pag dating dito.
- Factory worker - kung marami kang kilala na pwedeng maka tulong sayo pag pasok.
- Grocery - Ito ang gusto kung pasokan na trabaho dati pag dating dito kaso di pinalad.
May mga tao namang pinalad na pag dating dito ay na hire sila sa isang magandang company dahil sa experience nila or kunti lang ang mga taong nag aapply sa trabaho. Hindi lahat ng trabaho ay nasa Online Job Site, karamihan ay sa pamamagitan nang networking or sa mga kilala mong kaibigan or bagong kaibigan.
hi! ask ko lang po ako ng questions:
ReplyDelete1. ano po yung "cleaning" na tinutukoy nyo? linis po ba ito ng bahay?
2. with regards sa factory job, factory po ng anong industry?
3. medrep po kasi sister ko and gusto nya magpunta ng canada. medrep din po kaya ang magiging work nya dyan?
1. Pwedeng bahay, convention center, hotel and mall. Di naman masayadong mabigat ang cleaning dito kasi naka gloves at yung iba vacuum yung ginagamit.
ReplyDelete2. Ang factory dito na malapit sa vancoyver ay pulp and paper factory ( kruger.ca search sa google ), milk factory, chocolate factory ( purdys ) , at meat factory.
3. Halos lahat ditp sa canada kailangan may canadian license. So talagang dapat mag upgrade yung sister mo.
Sana naka tulong ito kahit konti. Salamat